Home NATIONWIDE Pinas nagpatupad ng bird, poultry ban sa Türkiye

Pinas nagpatupad ng bird, poultry ban sa Türkiye

Nagpatupad ang gobyerno ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Agriculture (DA), ng pansamantalang pagbabawal sa pag-angkat ng mga ibon, karne ng manok, itlog, at iba pang produkto mula Türkiye dahil sa outbreak ng bird flu.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., layunin nitong protektahan ang industriya ng manok na mahalaga sa trabaho, pamumuhunan, at seguridad sa pagkain.

Ang hakbang na ito ay kasunod ng ulat ng mga awtoridad sa beterinaryo ng Türkiye sa World Organization on Animal Health noong Marso 5 tungkol sa outbreak ng H5N1 avian influenza sa Sarayduzu, Merkez.

Itinigil na ng DA ang pag-isyu ng import clearance at hindi tatanggapin ang mga produktong karneng manok na kinatay o ginawa bago Enero 1, 2025. Santi Celario