Home NATIONWIDE Pinas nagpo-provoke ng tensyon sa South China Sea – Tsina

Pinas nagpo-provoke ng tensyon sa South China Sea – Tsina

MANILA, Philippines – SINABI ng Tsina na ang Pilipinas ang mas naging mapilit sa pagtutol sa agresyon ng Beijing sa South China Sea, dahilan ng probokasyon sa Indo-Pacific region.

Sinabi ni Lin Jian, tagapagsalita para sa Foreign Ministry ng Tsina na ang bawat pag-igting ng maritime row sa pagitan ng dalawang bansa ay “was triggered by the infringement activities and provocations of the Philippines.”

Tinawag ni Lin na probokasyon ang pagsisikap ng Pilipinas na igiit ang soberanya nito sa West Philippine Sea, na inaangkin ng Tsina, kabilang na ang pakikipagtambal sa like-minded states upang masiguro na mapanindigan ang rule of law sa katubigan.

Ang akusasyon na ito ni Lin ay inihayag niya matapos ang makailang ulit na pagha-harass ng Tsina sa Philippine troops sa katubigan kabilang na ang pagbangga sa bangka nito, paggamit ng water cannon, at pagtutok ng military grade lasers.

“It was the Philippines who took infringement activities first and China had to take necessary measures in accordance with law to safeguard our lawful rights and interests,” ang sinabi ni Lin.

“If the Philippines stops infringement activities and provocations, there will be no trouble at sea,” aniya pa rin.

Samantala, sa kaparehong araw, sinabi naman ni Department of National Defense (DND) Secretary Gibo Teodoro na ang Tsina ang naglalagay ng matinding presyur sa Pilipinas upang ibigay ang claim nito sa West Philippine Sea.

“What we see is an increasing demand by Beijing for us to concede our sovereign rights in the area,” ang sinabi ni Teodoro matapos makipagpulong sa kanyang Australian counterpart na si Richard Marles sa Canberra. Kris Jose