Home NATIONWIDE Pinas nanawagan ng kapanatagan sa gitna ng sagupaan ng Thailand at Cambodia

Pinas nanawagan ng kapanatagan sa gitna ng sagupaan ng Thailand at Cambodia

308
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Pilipinas ng pag-iwas sa karahasan matapos ang sagupaan sa hangganan ng Thailand at Cambodia na ikinasawi ng hindi bababa sa 12 katao nitong Huwebes, kabilang ang 11 sibilyan at isang sundalo sa Thailand.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, hindi ito kumikiling sa alinmang panig ngunit hinimok ang dalawang bansa na panatilihin ang komunikasyon, sundin ang batas internasyonal, at protektahan ang mga sibilyan.

Nagsimula ang labanan malapit sa Ta Moan Thom Temple at kumalat sa hindi bababa sa anim na lugar sa hangganan.

Wala pang naiulat na Pilipinong nasaktan o nasawi.

Pinayuhan ng DFA at Embahada ng Pilipinas sa Phnom Penh ang mga Pilipino sa Oddar Meanchey at Preah Vihear na manatiling alerto at iulat ang kanilang kalagayan. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here