Home NATIONWIDE Pinas sa N. Korea: Missile testing, itigil

Pinas sa N. Korea: Missile testing, itigil

MANILA, Philippines – MULING HINIKAYAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) o North Korea na ihinto na ang paglulunsad ng ballistic missile.

“The Philippines expresses serious concern and strongly denounces the recent ballistic missile launches conducted by the Democratic People’s Republic of Korea,” ang sinabi ng DFA sa isang kalatas.

“Such provocative actions undermine economic progress, peace, and stability in the Korean Peninsula and the Indo-Pacific region,” ayon pa rin sa departamento.

Iniulat ng military ng South Korea na naglunsad ang Pyongyang ng multiple short-range ballistic missiles mula Wonsan, eastern coastal city nito noong May 8.

Sinusubok kasi ng North Korea ang ‘performance at stability’ ng mga missiles, na lumipad pataas ng hanggang 800 km bago pa tumama sa karagatan.

“We renew our call on the DPRK to promptly cease these activities and abide by all international obligations, including relevant UN Security Council Resolutions, and to commit to peaceful and constructive dialogue,” ang sinabi ng DFA.

Samantala, may isang mataas na opisyal ng United Nations (UN) ang nagbabala na ang North Korea “is ramping up its nuclear and missile program in defiance of international law,” lalo pa’t papasok na sa huling taon ng military plan nito.

Ang naturang aksyon ay isang paglabag sa multiple UN Security Council resolutions na nagpo-promote sa global nuclear disarmament at non-proliferation regime. Kris Jose