Home NATIONWIDE Batas na magpapalakas sa pangangalaga sa 0-5 anyos, tinintahan ni PBBM

Batas na magpapalakas sa pangangalaga sa 0-5 anyos, tinintahan ni PBBM

MANILA, Philippines – PINIRMAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12199, na inuuna ang maagang edukasyon, tamang nutrisyon, at suportang nagmamalasakit upang bigyan ang mga paslit, lalo na ang edad ay ‘zero to five,’ ng isang malakas na simula sa buhay.

Tinintahan noong May 8, RA No. 12199, o ang “Early Childhood Care and Development System Act,” ay ipinasa para ipatupad ang polisiya ng estado na pangalagaan at i-promote ang karapatan ng bawat bata sa ‘holistic well-being, paglaki, at dedikadong pangangalaga.’

Ang ECCD System Act ay isa sa mga mahahalagang batas na inirekumenda ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) para paghusayin ang sistema ng edukasyon sa bansa.

Sa bagong batas, pinawalang-bisa ang RA No. 10410, mas kilala bilang “Early Years Act (EYA) of 2013.”

Sa RA No. 12199, itinalaga ang ECCD Council na pangalagaan ang mga batang may edad na wala pang limang taong gulang, habang ang Department of Education (DepEd) ang mangangasiwa sa may edad na lima hanggang walo, alinsunod ito sa Enhanced Basic Education Act of 2013.

“As mandated by RA No. 12199, the ECCD will be institutionalized in a comprehensive, integrative, and sustainable way through multisectoral and interagency collaboration at the national and local levels in government with other stakeholders,” ayon sa ulat.

Sa ilalim ng RA No. 11650, “the ECCD System promotes inclusive education by ensuring children with disabilities receive proper services, reasonable accommodation, and accessible environments.”

Layon ng batas na bawasan ang child mortality, suportahan ang lahat ng bahagi ng child development, ihanda ang mga maliliit na bata para sa pormal na pag-aaral, at magtatag ng ‘early intervention systems’ para sa mga may ‘special needs.’

Ang ECCD Council ay palalakasin para pangunahan ang kalusugan, nutrisyon, edukasyon, at social development programs, na may pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya.

Mayroon namang mahalagang papel ang Local government units sa pagpapatupad ng ECCD programs sa pamamagitan ng kani-kanilang ECCD offices.