Home NATIONWIDE Pinas: Tsina may kinalaman sa pagkasira ng Bajo de Masinloc base sa...

Pinas: Tsina may kinalaman sa pagkasira ng Bajo de Masinloc base sa ebidensya

MANILA, Philippines- Sinabi ng National Security Council (NSC) na mayroong ‘malinaw at kapani-paniwalang’ ebidensya na may ‘kamay’ ang Tsina sa umano’y ‘environmental destruction’ ng Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea (WPS).

“The PCG (Philippine Coast Guard) has presented clear and convincing evidence that since 2016, it has observed Chinese fishermen transporting large quantities of giant clams, sea turtles, puffer fishes, stingrays, topshells, eels, and other marine animals,” ayon kay NSC spokesperson Jonathan Malaya sa isang kalatas.

Nagpalabas ng kalatas si Malaya matapos itanggi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Wang Wenbin ang alegasyon na ang Tsina ay sangkot sa ‘environmental destruction’ ng Bajo de Masinloc.

Ani Malaya, ang pagtanggi ng Tsina ay inaasahan na nila.

Ginawa ni Wang ang pagtatatwa nang tanungin sa press conference sa Beijing ukol sa napaulat na lumalagong consensus sa loob ng gobyerno ng Pilipinas ukol sa paghahain ng kaso laban sa Tsina dahil sa nasira at nadurog na coral reefs, kabilang na ang pag-harvest ng ‘endangered giant clams’ sa Bajo de Masinloc.

“If any environmental degradation appears in those waters, it is the Philippines who needs to reflect on its behavior, instead of wrongly accusing China,” ayon kay Wang.

Tinukoy ni Malaya na maging sa naging desisyon ng Arbitral Tribunal ay mababasa na batid ng Chinese authorities na ang mga mangingisdang Tsino ay nangunguha rin ng mga nasabing ‘species’ sa West Philippine Sea (WPS).

Ani Malaya: “The Tribunal also found that Chinese authorities were aware that Chinese fishermen have harvested endangered sea turtles, coral, and giant clams on a substantial scale in the South China Sea (using methods that inflict severe damage on the coral reef environment) and had not fulfilled their obligations to stop such activities.”

Sa ilalim ng Convention on the International Trade in Endangered Species ng Wild Fauna and Faura (CITES), ang mga higanteng kabibe at iba pa ay deklaradong ‘protected species.’

Sa kabilang dako, hinamon ni Malaya ang Tsina na buksan ang Bajo de Masinloc sa international inspection at nanawagan ng third-party inspectors mula sa kaugnay na United Nations bodies o iginagalang na environmental organizations para imbestigahan ang sitwasyon sa Bajo de Masinloc. Kris Jose