Home NATIONWIDE Tolentino pinangunahan ang bicameral meeting sa karagdagang Shari’a Courts

Tolentino pinangunahan ang bicameral meeting sa karagdagang Shari’a Courts

MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Senate Majority Floor Leader at Chairman ng Committee on Justice and Human Rights, Sen. Francis ‘Tol’ Tolentino, ang Bicameral Conference Meeting upang talakayin ang ilang mga salungat na probisyon ng Senate Bill No. 2594 at House Bill No. 8257.

Ang Senate Bill No. 2594, na isinusulong ni Sen. Tolentino, ay naglalayong magtatag ng 3 Shari’a Judicial Districts at 12 Circuit Courts sa buong Pilipinas.

Layunin nito na masiguro ang mas madaling maabot, pantay, at mabilis na hustisya para sa mga Muslim na Pilipino.

Inaamyendahan ng panukalang batas na ito ang Presidential Decree 1083, na kilala bilang Code of Muslim Personal Laws of the Philippines, at baBatas Pambansa Blng. 129 o ang ‘Judiciary Reorganization Act of 1980’.

Dumalo sa Bicameral Conference Committee meeting sina House Panel Chairperson Juliet Marie de Leon Ferrer, Rep. Loreto Acharon, Rep. Gerville Luistro, at Rep. Sitie Aminah Dimaporo. Naroon din sina Sen. Robinhood Padilla at Justice Raul Villanueva mula sa Office of the Court Administrator ng Korte Suprema.

Kapwa nagtagumpay ang dalawang kapulungan na pagkasunduin ang mga salungat na probisyon ng panukalang batas.

Inaasahan ng mga mambabatas na agarang pipirmahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang panukalang batas, na magmamarka ng isang makabuluhang hakbang para sa komunidad ng mga Muslim na Pilipino. RNT