Home METRO Preserbasyon ng cultural, historical landmark sa NBP pinagtibay

Preserbasyon ng cultural, historical landmark sa NBP pinagtibay

Larawan kuha ni Cesar Morales

MANILA, Philippines- Nilagdaan na ang kasunduan para preserbasyon sa cultural at historical landmark sa paligid ng New Bilibid Prison (NBP) at lupang pag-aari ng Bureau of Correction sa Muntinlupa City.

Ang nasabing MOA ay nilagdaan nina Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at BuCor Chief Director General Gregorio Pio Catapang Jr.

Tiniyak ng dalawang opisyal na hindi magagalaw sa gagawing modernisasyon ng BuCor ang mga historical landmark ng NBP sa kabila ng mga programa sa pagpapaunlad sa lugar

Ayon sa dalawang opisyal, makikinabang dito ang susunod na henerasyon upang malaman nila ang kasaysayan ng BuCor sa mga nakalipas na panahon.

Nagpapasalamat naman si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanyang kahilingan na pangalagaan at proteksyunan ang mga historical landmark.

Kumbinsido si Mayor Ruffy na malaking pagkakataon ito para mapalakas ang turismo sa lugar sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa mga cultural at historical landmard tulad ng NBP mismo at ng Japanese soldiers cemetery. Dave Baluyot