Home NATIONWIDE PH gov’t sa BARMM residents kasunod ng pag-atake sa Cotabato chapel: Maging...

PH gov’t sa BARMM residents kasunod ng pag-atake sa Cotabato chapel: Maging alerto

MANILA, Philippines- Hinikayat ni Presidential peace adviser Secretary Carlito Galvez Jr. ang mga residente ng Cotabato City at iba pang lugar sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na “manatiling alerto” kasunod ng paghagis ng granada habang may isinasagawang misa sa chapel sa Cotabato City.

“We urge everyone in Cotabato City and across the region to remain vigilant and report any suspicious activities to the proper authorities,” ayon kay Galvez sa isang kalatas.

“Let us all work together to prevent such tragedies from happening again, and to help foster a more peaceful, inclusive and harmonious environment that respects the diverse faiths within our communities,” dagdag niya.

Sa ulat, dalawa ang naitalang sugatan sa naganap na pagsabog sa Cotabato City.

Base sa initial report, dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang naghagis ng hand grenade sa Santo Niño Chapel sa Barangay Rosary Heights 3 bandang alas-10:30 ng umaga noong Linggo, May 19, habang nagsasagawa ng Bible service.

Ang mga nagtamo ng sugat ay ang mga residente na sina Maribel Abis, 46, at ang senior citizen na si Aniceta Tobil.

Sa ulat, kwento ng barangay chairman na si Kagi Omar Pasawilan, nakasakay sa motorsiklo ang dalawang suspek nang bigla silang naghagis ng granada at mabilis na tumakas palayo.

Ang nangyaring atake ay kinondena ni Cotabato City Mayor Bruce Matabalao.

Sa kabilang dako, sa isang kalatas, sinabi ni Galvez na ang grenade-throwing incident ay isang “direct attack on the Filipino people’s commitment to religious freedom and peaceful co-existence and blatant disregard for human life.”

“The national government will ensure that the perpetrators of this heinous crime will be held accountable for their actions,” ayon pa rin kay Galvez sabay sabing “Authorities will exert all efforts to go after those responsible and bring them to justice.” Kris Jose