Home NATIONWIDE Pinas, Tsina nagdaos ng ‘frank talks’ ukol sa Sabina Shoal

Pinas, Tsina nagdaos ng ‘frank talks’ ukol sa Sabina Shoal

NAGKAROON ng “frank and in-depth” na pag-uusap ukol sa sea-related issues partikular na ang usapin sa Sabina Shoal, ang vice foreign minister ng Tsina at kanyang Philippine counterpart.

Sa kanilang naging pagpupulong, muling inulit ng Tsina ang demand nito para sa agarang withdrawal o pag-aalissa sa Philippine vessel at nangakong “firmly uphold its sovereignty.”

Kapuwa namang sumang-ayon ang dalawang bansa na ipagpatuloy ang kanilang dayalogo sa pamamagitan ng diplomatic channels.

Ang Xianbin Reef, kilala rin bilang Sabina Shoal, ay pinagtatalunang katubigan sa South China Sea malapit sa Spratly Islands, kung saan tinawag ng Tsina na Nansha Islands.

Tinukoy naman ng Pilipinas ang Sabina bilang Escoda Shoal.

Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Tsina ang Pilipinas na alisin ang BRP Terera Magbanua mula sa Escoda Shoal dahil ang presensiya nito ay malinaw na paglabag sa Chinese sovereignty.

Ang BRP Teresa Magbanua ay nakahimpil sa Escoda Shoal simula pa noong Abril sa gitna ng ulat na may mga reclamation activities ang Tsina sa lugar.

Kamakailan lamang ay naghain ang Chinese foreign ministry ng protesta sa naging presensiya ng Philippine ship BRP Teresa Magbanua sa Escoda Shoal.

Ang Escoda Shoal ay matatagpuan sa 75 nautical miles o 140 kilometers off ng Palawan at na sa loob ng 200-nautical-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. Kris Jose