Home NATIONWIDE Pinas, umakyat sa 51st spot sa global competitiveness ranking

Pinas, umakyat sa 51st spot sa global competitiveness ranking

MANILA, Philippines – Umakyat ang Pilipinas ng isang notch o gatla sa global competitiveness ranking ngayong taon sa gitna ng pagpapahusay sa economic performance at infrastructure.

Sa 2025 World Competitiveness Report ng Switzerland-based Institute for Management Development (IMD), ipinuwesto ng IMD ang Pilipinas sa ika-51, tumaas mula ika-52 noong nakaraang taon, mula sa kabuuang 69 economies na niranggo sa buong mundo.

Ang World Competitiveness Ranking ng IMD, unang inilathala noong 1989, ay “analyzes and ranks countries according to how they manage their competencies to achieve long-term value creation.”

Hinati ng IMD ang data nito sa apat na aspeto gaya ng economic performance, government efficiency, business efficiency, at infrastructure.

“The four areas, together, capture various aspects of competitiveness, such as macroeconomic stability, fiscal policy, institutional quality, market openness, business dynamism, innovation, education, health, and environmental performance,” ayon sa Swiss institute.

Makikita sa pinakabagong IMD report na ang ranking ng Pilipinas pagdating sa four key areas ay:

Economic Performance – ika-33, umakyat mula sa ika-40

Government Efficiency – ika-51, bumaba mula sa ika-49

Business Efficiency – ika-46, bumaba mula sa ika-43

Infrastructure – ika-60, umakyat mula sa ika-61

Kabilang sa Asia-Pacific’s 14 economies, ang ranggo ng Pilipinas ay ika-13—hindi nabago sa loob ng anim na taon.

Tinukoy naman sa report ng IMD ang sumusunod na hamon para sa Pilipinas ngayong taon:

Muling buhayin ang economic dynamism at growth trajectory ng bansa; tugunan ang inflation expectations; i-promote ang investments sa inclusive technology para palakasin ang labor productivity at bigyang kapangyarihan ang entrepreneurship; paghusayin ang edukasyon at pangangalagang pangkalusugan para i-promote ang inclusive growth, bawasan ang vulnerabilities, at mag-adapt sa shifting global economic at geopolitical dynamics.

Sa report, ang Switzerland ang kinilalang most competitive economy sa buong mundo ngayong taon, sinundan ng Singapore at Hong Kong. Kris Jose