Home NATIONWIDE Teves nasa PGH para operahan

Teves nasa PGH para operahan

MANILA, Philippines – Naka-confine na sa Philippine General Hospital si dating Congressman Arnolfo Teves Jr. na nakatakdang humarap sa isang major operation ayon sa kanyang abogado.

Dinala si Teves sa PGH sakay ng ambulansya ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) mula sa isa ring pampublikong ospital na hindi pinangalanan.

Bantay-sarado si Teves ng mga jail officer ng BJMP at PNP na armado ng mahahabang kalibre ng baril.

Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teves Jr., kailangan ng dating kongresista na sumailalim sa major surgery sa ospital na may maayos na pasilidad at kumpletong kagamitan.

“Rep. Arnolfo Teves is scheduled to go under the knife within the hour for appendectomy. He is under the care of Dr. Ancoy Lopez,” sabi ni Topacio.

Si Teves ang akusado sa pagpatay kay noo’y Governor Roel Degamo at siyam na iba pa. Teresa Tavares