Home NATIONWIDE Pinas, wagi sa ‘Island Charm’ award sa Beijing dive expo

Pinas, wagi sa ‘Island Charm’ award sa Beijing dive expo

260
0

MANILA, Philippines – Pinalakas ng Pilipinas ang katayuan nito bilang top global diving hub matapos magwagi ng Island Charm Award, pagkilala sa unique appeal ng bansa sa mga turista, sa Diving Resort and Travel (DRT) Expo na idinaos sa Beijing noong Aug. 8 hanggang 10.

Pinangunahan ng Department of Tourism–Beijing at ng Tourism Promotions Board, ipinakita ng Pilipinas ang world-class marine attractions nito sa China National Convention Center, kasama ang major airlines, dive suppliers at resorts, kabilang ang umuusbong na dive sites sa Romblon, Ticao Island (Masbate), at Camiguin.

Nasungkit din ng Pilipinas ang Best Diving Destination Award ng DRT Expo noong nakaraang taon na idinaos din sa Beijing.

Binigyang-diin ang partisipasyon ng Philippine Dive Night, isang business-matching event kung saan pinagsama-sama ang Chinese diving tour operators, kasama ang Philippine airlines at resorts.

Sa kabilang dako, sinabi ni Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz na ang presensiya ng bansa sa expo ay nagbigay-diin sa dual commitment nito na i-promote ang turismo at pangalagaan ang marine resources.

“The country remains dedicated to promoting sustainable tourism and fostering strong people-to-people exchanges through partnerships that protect its marine environment,” ani FlorCruz.

“China is currently the world’s fastest-growing dive market, with newly certified divers rising by 35 to 40 percent annually,” ayon sa industry reports.

“This shift toward high-value, experience-based travel makes the Philippines’ unmatched marine biodiversity and iconic dive sites even more attractive to Chinese divers,” dagdag pa sa ulat.

Ang DRT Expo ay itinuturing na largest international dive exhibition sa Asya, na itinatanghal taun-taon sa mga pangunahing lungsod kabilang na ang Hong Kong, Shanghai, at Taipei.

Nakatakda namang mag-host ang Maynila para sa susunod na leg ngayong Setyembre.

Ang award-winning participation ng Pilipinas sa Beijing ay nakikita bilang malakas na pagsusulong sa tourism promotion drive nito, at pagpo-posisyon sa bansa bilang “Heart of Asia’s Diving.” Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here