Home NATIONWIDE Pinay helper sa Milan utas sa nakawan

Pinay helper sa Milan utas sa nakawan

Milan, Italy — Inanunsyo ng Philippine Consulate General sa Milan ang malungkot na pagkamatay ng isang 61-taong-gulang na Pilipinang kasambahay sa isang nakawan noong Abril 19, 2025.

Nangyari ang insidente nang pasukin ng suspek ang apartment ng Israeli employer ng biktima malapit sa Parco Sempione.

Ayon sa mga ulat, ang Pilipinang kasambahay ay pinaslang ng suspek. Agad naman itong nahuli ng pulisya sa lugar ng krimen.

Tiniyak ng Philippine Consulate na makikipag-ugnayan sa pamilya ng biktima at magbibigay ng kinakailangang tulong. RNT