Home SPORTS Pinoy chessmaster Mangubat kampeon sa FIDE World Senior

Pinoy chessmaster Mangubat kampeon sa FIDE World Senior

MANILA, Philippines – Nasungkit ni Filipino FIDE Master Mario Mangubat ang korona bilang bagong FIDE World Senior 65+ Rapid Champion.

Nanalo ang  66-anyos na native ng  Minglanilla, Cebu  sa Rapid tournament sa 32nd FIDE World Senior Chess Championship na ginanap sa Porto Santo Island, Portugal.

Kumamada ng 4.5 points sa anim na laro si Mangubat para makuha ang titulong 65+ category.

Naibulsa naman ni International Masters Aitkazy Baimurzin ang ikalawang pwesto samantalang pumangatlong puwesto si Marat Primetov ng Kazakhstan.