Home NATIONWIDE Pinoy seafarers kinilala ng MARINA

Pinoy seafarers kinilala ng MARINA

MANILA, Philippines- Buong pagmamalaking ipinagdiriwang ng Maritime Industry Authority (MARINA) ngayong Hunyo 25 ang mga kahanga-hangang tagumpay at napakahalagang kontribusyon ng mga Pilipinong marino sa maritime industry.

Pinarangalan ng MARINA ang mga Pilipinong marino bilang mga indibidwal na walang takot na tumatawaid sa mga karagatan ng mundo, na tinitiyak na ligtas at mahusay na nakararating ang mga kalakal sa  destinasyon ng mga ito.

“We honor them as fearless individuals who traverse the world’s oceans, ensuring goods reach their destinations safely and efficiently. From navigating unpredictable waters to upholding stringent safety protocols, seafarers play a vital role in connecting nations and economies. Their dedication ensures smooth sailing for cargo and passengers alike, often in challenging conditions that demand extraordinary skill and perseverance,” mensahe ng MARINA ngayong Filipino Seafarers’ Day.

Bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon, nangako ang maritime industry na susuportahan ang mga hakbangin na nagtataguyod ang kaligtasan at kapakanan sa dagat.

“Together, we can ensure that these modern-day heroes continue to thrive and sail with confidence,” giit pa ng MARINA.

Ang Day of the Seafarer ay taunang ipinagdiriwang na itinakda ng International Maritime Organization (IMO) na layong makilala ang mahalagang kontribusyon ng seafarers sa buong mundo, sa international seaborne trade, world economy at civil society.

Sa Pilipinas, ipinagdiriwang ito tuwing Hunyo 25 alinsunod sa Presidential Proclamation No. 183 series of 2011. Jocelyn Tabangcura-Domenden