Home HOME BANNER STORY Pinoys na may US, UK, EU visa, pasok na sa visa-on-arrival sa...

Pinoys na may US, UK, EU visa, pasok na sa visa-on-arrival sa UAE

1
0

MANILA, Philippines — Maaari nang kumuha ng visa upon arrival sa United Arab Emirates (UAE) ang mga kwalipikadong Pilipinong may regular Philippine passport sa ilalim ng updated visa guidelines, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kabilang sa maaaring mag-avail ang mga Filipino citizen na may valid visa o residence permit mula sa United States, European Union member countries, o United Kingdom. Maaari rin ang may valid residence permit mula sa Japan, South Korea, Australia, Canada, Singapore at New Zealand.

Kinakailangang valid nang hindi bababa sa anim na buwan sa oras ng aplikasyon ang Philippine passport at ang kwalipikadong visa, residence permit o Green Card.

May dalawang pagpipilian ang kwalipikadong biyahero: 14-day visa na nagkakahalaga ng AED 100 at 60-day visa na AED 250. Ang 14-day visa ay maaaring palawigin nang isang beses para sa karagdagang 14 araw sa halagang AED 250, habang hindi maaaring i-extend ang 60-day visa. Kinumpirma rin ng UAE Federal Authority for Identity, Citizenship, Customs and Port Security ang naturang 14- at 60-day visa categories at corresponding fees.

Maaaring mag-apply sa pagdating sa mga airport sa UAE o sa ICP Smart Services. May karagdagang AED 150 Smart Services fee para sa applications na isusumite online, ayon sa DFA.

Gayunman, nilinaw ng DFA na hindi awtomatikong garantiya ng pagpasok sa UAE ang pagkakaroon ng kwalipikadong dokumento dahil nananatiling nakasalalay sa assessment at approval ng UAE immigration authorities ang pag-isyu ng visa at admission ng biyahero.

Nauna nang palawakin ng UAE noong Hunyo 25 ang eligibility para sa naturang entry visa upang maisama ang mga Philippine passport holder, kasama ang iba pang bagong kwalipikadong nationalities. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here