MANILA, Philippines – Naglabas ng abiso ang Philippine Embassy sa Baghdad na iwasan muna ng mga Pilipino ang hindi mahalagang biyahe patungong Iraq dahil sa lumalalang tensyon sa rehiyon.
Para sa mga Pilipinong nasa Iraq na, pinayuhan silang maging mapagmatyag, iwasan ang pampublikong lugar, at manatiling alerto.
Nangyari ang babala matapos iutos ng Estados Unidos ang pag-alis ng ilang empleyado sa kanilang embahada sa Iraq, bunsod ng bantang girian sa pagitan ng Israel at Iran.
Nananatili ang Alert Level 3 sa Iraq, na nangangahulugang may umiiral na karahasan o banta ng panlabas na agresyon sa ilang bahagi ng bansa. RNT