Home NATIONWIDE Tugon sa impeachment summons ng Senado inihahanda na ng kampo ni VP...

Tugon sa impeachment summons ng Senado inihahanda na ng kampo ni VP Sara

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Bise Presidente Sara Duterte na inihahanda ng kanyang mga abogado ang sagot sa ipinadalang impeachment summons ng Senado.

Kabilang sa dokumento ang pitong artikulo ng impeachment at hinihinging sagutin ito sa loob ng 10 araw.

“’Pag-usapan namin yan ng ating mga defense counsels at pinag-uusapan na nila ngayon kung paano nila gagawin yung pag-comply sa summons ng Senate,” ani VP Sara.

Nakasaad sa nasabing summons ang pag-atas kay VP Sara na “obey, and perform such orders, directions, and judgments as the Senate, sitting as an impeachment court, shall make in the premises according to the Constitution and laws of the Philippines.”

“Hereof, you are not to fail,” dagdag pa rito.

Inaasahang aabot sa ika-20 Kongreso ang kaso, na magsisimula sa Hulyo 28. Kapag napatunayang nagkasala, matatanggal sa puwesto si Duterte at hindi na maaaring tumakbo sa anumang pampublikong posisyon. Sa kabila nito, inaasahang isa pa rin siya sa mga tatakbo sa pagkapangulo sa 2028. RNT