Home HOME BANNER STORY Pinsala ng bagyong Betty, maliit lang – NDRRMC

Pinsala ng bagyong Betty, maliit lang – NDRRMC

MANILA, Philippines – Maliit lamang ang naging pinsala sa agrikultura at imprastruktura sa pananalasa ng bagyong Betty.

Ito ang sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Raffy Alejandro nitong Biyernes, Hunyo 2, kung saan nasa 77,000 katao naman ang apektado ng bagyo sa anim na rehiyon.

“Based on our monitoring and reports that we got, the effects of Betty is very minimal in terms of damage to infrastructure and agriculture,” sinabi ni Alejandro sa panayam ng ANC.

Ilan sa mga naitalang pinsala ng bagyo ay ang pagguho ng lupa sa Cordillera at pagkasira ng lumang warehouse sa Cagayan.

Bagama’t nakalabas na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Betty, nagpapaulan pa rin sa bansa ang habagat.

Patuloy namang paghahandaan ng NDRRMC ang nasa 10 hanggang 14 na bagyo na inaasahang papasok pa sa PAR hanggang Oktubre.

“We will continue to enhance our preparations by making sure we have enough stockpile of food and non-food items in our strategic warehouses throughout the country,” ani Alejandro.

“At the same time, we will continue to enhance the capacity of our response unit down to the local government unit,” dagdag niya. RNT/JGC

Previous articlePaggamit ng ‘super app’ ng gobyerno, makababawas sa korapsyon – PBBM
Next articleHigit 20K tirahan walang tubig sa sumabog na linya sa Rizal