Home METRO Higit 20K tirahan walang tubig sa sumabog na linya sa Rizal

Higit 20K tirahan walang tubig sa sumabog na linya sa Rizal

MANILA, Philippines – Walang tubig ang nasa 20,550 tirahan sa Rizal matapos na sumabog ang main water line na nasa ilalim ng
Circumferential Road, Antipolo City nitong Biyernes, Hunyo 2.

Ayon sa Manila Water, inaayos na ng mga tauhan nila ang problema at inaasahang maibabalik ang serbisyo pagsapit ng alas-8 ng gabi sa kaparehong araw.

“Please be assured that Manila Water is exerting all efforts to ensure restoration of water service in the affected areas as soon as possible,” ani Dittie Galang, corporate communications affairs group head ng MW.

Apektado ng water service interruption ang 20 barangay sa Antipolo, Angono, Binangonan, Morong, Taytay at Teresa, Rizal.

Kabilang sa mga barangay na walang tubig ay ang Barangay San Isidro, San Jose, San Roque, Dela Paz, at Dalig sa Antipolo; Poblacion, San Gabriel, May-Iba, Dulumbayan, Calumpang, Sto. Cristo, Prinza, Bagumbayan, Dalig, at San Roque sa Teresa; Tayuman at Palangoy sa Binangonan; San Guillermo, Morong; at Dolores, Rizal.

Samantala, nagpakalat na ng water tanker sa mga apektadong tirahan habang nagpapatuloy pa ang repair.

Nag-abiso naman si Galang sa mga residente na asahan ang kakaibang kulay ng tubig sa oras na bumalik na ang serbisyo. RNT/JGC