Home METRO Pinsala ng mga bagyo, Habagat sa agrikultura, umabot na sa P1.73B

Pinsala ng mga bagyo, Habagat sa agrikultura, umabot na sa P1.73B

1
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa P1.73 bilyon ang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura dahil sa pinagsamang epekto ng Habagat, mga nagdaang bagyong Luis at Maymay, at Tropical Depression Neneng, ayon sa Department of Agriculture (DA) nitong Huwebes.

Ayon sa pinakahuling assessment ng DA, naapektuhan ang 40,954 ektarya ng agricultural areas sa Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA at Western Visayas. Umabot naman sa 43,220 metric tons ang production losses.

Pinakamalaki ang pinsala sa palay na P974.82 milyon, habang P540.11 milyon naman ang naitalang pagkalugi sa high-value crops tulad ng gulay, pampalasa, legumes, calamansi, durian, lanzones, mangosteen, papaya, rambutan, watermelon, banana, root crops at ornamental crops.

Samantala umabot naman ang pinsala ng mais sa P85.33 milyon; livestock: P14.85 milyon; irrigation facilities: P60.96 milyon; farm structures: P16.61 milyon; makinarya at kagamitan: P1.37 milyon; fisheries at aquatic resources: P9.26 milyon; at cassava sa P954,270. Umabot naman sa 50,277 magsasaka ang naapektuhan ng mga pag-ulan.

Ayon sa DA, maaaring makakuha ang mga apektadong magsasaka ng P210.93 milyon halaga ng agricultural inputs, kabilang ang binhi ng palay, mais at gulay. Maaari rin silang umutang ng hanggang P25,000 sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council.

Magbibigay rin ang National Food Authority ng 3,631 bag ng palay-milled rice sa mga apektadong LGU sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon at MIMAROPA.

Nag-deploy din ang DA ng KADIWA trucks para maghatid ng agricultural products at tulong sa mga apektadong lugar. Patuloy ding mino-monitor ng ahensya ang presyo ng mga produktong agrikultural. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here