Home METRO Pinto ng bus pinalo ng babae ng baseball bat sa Pasay road...

Pinto ng bus pinalo ng babae ng baseball bat sa Pasay road rage incident

268
0

MANILA, Philippines- Pinalo ng isang babae gamit ang isang baseball bat ng glass door ng isang pampasaherong bus sa isang road rage incident sa kahabaan ng Macapagal Avenue sa Pasay City.

Ayon sa ulat, nahagip sa isang video na viral na sa social media ang insidente dakong alas-9 ng umaga nitong Martes.

Nag-ugat umano ang insidente sa pagtatalo ng mga driver ng isang sport utility vehicle at Jell Transport bus.

Ibinahagi ng video uploader, konduktor ng isa pang Jell Transport bus, ang pangyayari.

“Ki-nut na po ng private car itong kasamahan namin. Bago bumaba po si ma’am, yung may-ari nga po ng private car, may hawak po siyang tumbler, pinukpok na po yung harap ng salamin ng kasama. Salamin ng bus ng kasamahan namin.”

“Bumalik si ma’am, parang medyo nagkaka, kasi may parang nag speak na akala ko, tinatawanan pa ng kasamahan namin. Mas lalo na galit tong si ma’am, pumuha po ng parang matigas na bagay, na parang baseball bat. Doon po nangyari. Doon na po yung actual na, nung pagkakuha po na, doon ko po na sakto na video po yung pangyayari na yun.”

Nagpatuloy pa ang sigawan at murahan, kung saan sinubukang ipagtanggol ng bus crew ang kanilang mga sarili.

“Wala kayong karapatang basagin yung ano,” ayon sa isa sa mga empleyado.

Ipinaliwanag naman ng konduktor ang kanyang panig, itinaggi na may kasalanan ang kanyang kasamahan.

Giit ng uploader, “They claimed they were going to die. But I don’t think anything like that happened because, for one, their vehicle wasn’t even scratched.”

Idinagdag niya na iniiwasan ng bus drivers ang mga aksidente at kung talagang nagkamali ang kanilang kasamahan, dapat inireklamo ito ng motorista sa kompanya.

Kinumpirma naman ng Jell Transport management na lumapit ang SUV owners upang ayusin ang gusot.

Kinukuha pa ang panig ng mga sakay ng SUV ukol dito. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here