MANILA, Philippines — Patuloy na humina ang halaga ng Philippine peso laban sa US dollar at umabot sa bagong record low na P62.35:$1 sa intraday trading nitong Martes.
Bandang 10 a.m., bumagsak ang piso sa P62.35 kada dolyar, lampas sa dating record low na P62.265:$1 na naitala sa pagtatapos ng trading noong Agosto 28. Nagbukas ang piso sa P62.25:$1.
Iniuugnay ang paghina ng piso sa mga bagong pangamba sa Middle East at sa sunod-sunod na pagtataas ng policy rate ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Noong Huwebes, itinaas ng BSP ang policy rates sa ikatlong sunod na meeting, dahilan upang umabot sa 5.0% ang benchmark policy rate. RNT/MDS