MANILA, Philippines – Bumagsak sa bagong pinakamababang antas ang piso sa P60.3 kada dolyar dahil sa tensyon sa Middle East at pagtaas ng presyo ng langis.
Ayon sa mga trader, dulot ito ng malakas na dolyar at pagtaas ng gastos sa pag-import ng langis.
“Reflects a strong dollar, higher oil widening the import bill, and risk-off flows,” anila.
Nalampasan nito ang dating record na P60.1:$1 at maaaring manatili habang mataas ang global uncertainty.
Kasabay nito, nagbanta ang US laban sa Iran kaugnay ng Strait of Hormuz, na sinagot naman ng Iran ng sariling banta.
Sinabi ng pamahalaan na nais maiwasan ang pag-abot ng piso sa P60 kada dolyar, habang patuloy na mino-monitor ng BSP ang sitwasyon.
Bumagsak din ang stock market, kung saan lahat ng sektor ay nagtala ng pagkalugi.
“The Philippine market ended significantly lower…,” ani Luis Limlingan.
Dagdag pa niya, pinalala ng mataas na presyo ng langis ang pangamba sa inflation kaya naging maingat ang mga investor. Santi Celario