Home OPINION PISTA NG MGA MAGNANAKAW!

PISTA NG MGA MAGNANAKAW!

208
0

SIMULA na muli ang halalan sa bansa sa pamamagitan nang paghahain ng kandidatura ng mga kakandidato sa darating na midterm elections sa May 2025.

Ang dami nating nakita na mga mga ‘MAGNANAKAW’ na naghain ng COC at mga LUKO-LUKO na gusto tayong isahan.

May isang grupo ng partylist na gustong katawanin sa Kongreso ang mga taong may kapansanan.

Ang kanilang nominee ay sumakay pa sa wheelchair, gayung hindi naman lumpo, para talaga lumitaw na siya ang representative ng mga may kapansanan.

Mali ang pagsakay niya sa wheelchair dahil hindi naman siya pilay o lumpo.

Dapat naglagay siya ng benda sa ulo para masabing siya ay may diperensiya…DIPERENSYA SA UTAK. Hehehe.

********

May mga magna cum laude din pagdating sa pagnanakaw ang naghain ng COC para maging kongresista at senador.  Ang iba ay gobernador, mayor at konsehal.

Nakatatakot kapag ang mga ito ay nanalo.

Para na tayong nag-alaga o nagpataba ng mga buwaya sa mga hawlang de aircon. Anak ng kagaw.

*********

Tuwang-tuwa naman ang ilan nating kababayan sa kanilang pagkandidato.

Nakabuntot sila sa mga kandidatong ito sa Comelec at sumisigaw na sila raw ay ating iboto.

Ang mga kababayan nating ito ay nakaaawa dahil sa halagang P300 hanggang P500 ay ibinenta na nila ang kanilang mga prinsipyo. Tsk!

**********

Mistulang pista ngayon sa mga Comelec office kung saan naghahain ng COC ang mga kandidato.

Pista ng mga MAGNANAKAW na ginagawa tayong mga LUKO-LUKO.

**********

Nabudol na tayo ni BUDOL KING kaya huwag na uli tayo MAGPABUDOL!

Ang walanghiya, gusto pang maka-12-0 sa Senado.

Papayag ba kayo na iluklok ang ilang manok n’ya na kilalang mga MANGNENENOK?

Neknek mo BUDOL KING!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here