MANILA, Philippines — Humiling ng bail sa Sandiganbayan noong Huwebes ang siyam na dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 4B habang hinihintay ang paglilitis sa kanilang kaso ng malversation kaugnay ng umano’y P289 milyong substandard flood control project sa Oriental Mindoro.
Kasama sa kaso ang dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at ilang opisyal ng Sunwest Corporation.
Kabilang sa mga humihingi ng bail sina Gerald Pacanan, Gene Ryan Altea, Ruben D.S. Santos, Montrexis Tamayo, Dominic Serrano, Dennis Abagon, Juliet Calvo, Lerma Cayco, at Felisardo Casuno.
Iminungkahi ng mga taga-Ombudsman na huwag payagan ang bail para sa mga akusado. RNT