Home METRO Planong ‘mass shooting’ sa Cavite school, napigilan; Gr. 10 nahulihan ng armas

Planong ‘mass shooting’ sa Cavite school, napigilan; Gr. 10 nahulihan ng armas

1
0

MANILA, Philippines – Napigilan ng pulisya ang umano’y planong mass shooting sa isang pampublikong paaralan sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite matapos mabawi ang isang improvised at hindi rehistradong baril mula sa isang 15-anyos na Grade 10 student.

Ayon sa Cavite Police Provincial Office (PPO), kumilos ang mga tauhan ng General Mariano Alvarez Municipal Police Station matapos makatanggap ng impormasyon mula sa General Mariano Alvarez Technical High School na nagsabing isang estudyante, na kinilalang alias “Emman,” ang umano’y may access sa baril at nagpaplanong magsagawa ng mass shooting sa Hulyo 2.

Sa tulong ng mga opisyal ng barangay, inimbitahan ng pulisya ang menor de edad at ang kanyang ina para sa panayam. Sinabi ng ina na ang baril ay pag-aari ng yumao nitong ama, na lolo ng bata, at matagal nang naiwan sa isang aparador.

Isinuko ng ina ang improvised at hindi rehistradong baril sa mga opisyal ng barangay, na siya namang nagturn-over nito sa pulisya.

“In accordance with the Juvenile Justice and Welfare Act, the minor was turned over to the MSWDO for appropriate intervention,” ayon sa Cavite PPO.

“The case remains under investigation, and the filing of appropriate charges is underway, subject to existing laws.”

Sinabi naman ng pamunuan ng paaralan na agad silang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad upang mapigilan ang insidente at hinikayat ang publiko na huwag magpakalat ng maling o hindi beripikadong impormasyon na maaaring magpalala sa sitwasyon. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here