Home NATIONWIDE Food packs nakaposisyon na vs hagupit ni bagyong Henry

Food packs nakaposisyon na vs hagupit ni bagyong Henry

1
0
(c) Adrian Salceda Facebook Page

MANILA, Philippines – Nauna nang nagpwesto ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mga relief goods at naghanda ng mga evacuation center sa buong Mimaropa bilang paghahanda sa posibleng epekto ng low-pressure area (LPA), habagat, at localized thunderstorms.

Ayon kay DSWD Mimaropa Regional Information Officer Ferdy Rañada, inilahad ang mga paghahandang ito sa isinagawang pre-disaster risk assessment at scenario-building meeting na pinangunahan ng Office of Civil Defense nitong Martes.

Kabuuang 171,719 family food packs ang naipuwesto sa mga bodega ng DSWD sa rehiyon na may kabuuang kapasidad na 183,400 packs. Kabilang dito ang 32,259 sa Occidental Mindoro, 20,910 sa Oriental Mindoro, 23,137 sa Romblon, at 87,615 sa Palawan.

Inihayag din ng ahensya na nakahanda ang 1,902 evacuation centers para sa mga pamilyang maaaring lumikas kung kinakailangan. Kabilang dito ang 502 sa Occidental Mindoro, 388 sa Oriental Mindoro, 347 sa Romblon, at 415 sa Palawan. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here