Home HOME BANNER STORY Plastic warehouse sa QC, nagliyab!HOME BANNER STORYMETRONATIONWIDETOP STORIES Plastic warehouse sa QC, nagliyab!July 3, 2023 07:14 FacebookTwitterPinterestWhatsApp MANILA, Philippines- Nasunog ang isang two-story warehouse ng plastic products sa Quezon City nitong Linggo ng gabi, ayon sa mga awtoridad.Iniulat ng Bureau of Fire Protection na nagsimula ang sunog sa kahabaan ng Miller Street sa Barangay Bungad, Quezon City dakong alas-6:36 ng hapon.Naiulat ang first alarm pagtuntong ng alas-6:40 ng hapon, habang itinaas ang second alarm pagsapit ng alas-6:52 ng hapon.Idineklara namang under control ang pagliyab bandang alas-9:26 ng gabi.Base sa Quezon City Fire District investigators, nag-umpisa ang sunog sa ground floor ng warehouse. Hindi pa nila natutukoy kung paano ito nagsimula.Inihayag ni Quezon City Fire District fire marshal senior superintendent Aristotle Bañaga na kahoy ang pangunahing materyales ng warehouse.Idinagdag ni Bañaga na nahirapang maapula ang apoy dahil sa plastic products.“Kapag ang mga plastic po ay nasunog at nag-melt po siya, tuloy-tuloy na po ‘yan hanggang sa maubos na niya ‘yung fuel,” anang fire marshal.Hindi naapektuhan ang mga katabing istraktura nf warehoyse, habang umabot naman ang pinsala sa ₱15 milyon, base sa fire marshal.Walang naiulat na nasawi a insidente. RNT/SA