Home NATIONWIDE Plebisito sa 5 barangay ng P’que, itinakda ng Comelec sa Hulyo 25

Plebisito sa 5 barangay ng P’que, itinakda ng Comelec sa Hulyo 25

3
0

MANILA, Philippines – Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa Hulyo 25 ang plebisito sa limang barangay sa Parañaque City kaugnay ng pag-update sa territorial boundaries ng lungsod, partikular sa mga reclaimed area sa Manila Bay.

Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11231, boboto ang mga residente ng Barangays Baclaran, Tambo, Don Galo, La Huerta at San Dionisio hinggil sa panukalang pagbabago sa hangganan ng lungsod alinsunod sa Parañaque City Ordinance No. 2023-19.

Layunin ng ordinansa na ipatupad ang “Straight Line Policy” sa pagtukoy ng binagong territorial boundaries ng lungsod.

Ayon sa Comelec, nagsimula na noong Hunyo 25 ang plebiscite period at magtatagal hanggang Agosto 1. Sa panahong ito, ipinagbabawal ang pagdadala o pagbiyahe ng baril at iba pang nakamamatay na armas nang walang Certificate of Authority o gun ban exemption.

Naglatag na rin ng mga checkpoint sa limang barangay ang Comelec katuwang ang Philippine National Police. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here