MANILA, Philippines – Nakakuha ng pinakamataas na marka ang isang nagtapos ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) sa Agosto 2024 Computer-based Psychology Licensure Examination, inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC).
Si Anfernee Karl Ricamora Cuenca ay nakakuha ng 88.40 percentage rating, ang pinakamataas sa 373 examinees.
May kabuuang 448 Psychology graduates ang kumuha ng board exam na pinangasiwaan sa NCR at Davao Region.
Ang mga nangungunang paaralan ay ang De La Salle University- Manila at Ateneo de Manila University – Q.C. na may 100 porsyentong passing rate.
Maaring makita ang kumpletong listahan ng mga matagumpay examinees sa opisyal lamang na website ng PRC. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)