Home NATIONWIDE Content creator tinuluyan ni Mon Confiado sa ‘joke’ post

Content creator tinuluyan ni Mon Confiado sa ‘joke’ post

MANILA, Philippines – Naghain ng reklamo na may kinalaman sa Cybercrime ang aktor na sa Mon Confiado laban sa isang content creator na nagpost ng “copypasta” na gumawa ng kuwento tungkol sa kanya.

Ibininahi ng aktor sa Facebook ang kanyang larawan sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) Cybercrime Division at nanawagan sa content creator na si Ileiad.

Sinabi ng aktor na ang kanyang tunay na pangalan ay Jeff Leanneroie Bonilla Jacinto.

“Gusto kong ipaalam sa iyo na ang inihain kong kaso sa NBI ay hindi joke. Ito ay totoo. Seseryohin natin ito para maging aral sa ating lahat. I’m looking forward to personally meet you in court Mr. Jeff Jacinto. God Speed,” sabi pa ng aktor.

“Nawa’y maging aral sa iyo ito at sa ating lahat. Na ang paggamit ng pangalan at larawan ng walang pahintulot ay krimen. Na hindi lahat ng jokes ay nakakatawa at hindi lahat ng jokes ay para sa lahat. Dapat sana ang joke ay nakakapagpasaya at hindi nakakasira ng tao,” dagdag pa ni Confiado.

Si Ileiad, na mayroong mahigit 21,000 followers sa Facebook, ay nag-post ng “copypasta” batay sa isang meme na umiikot sa internet, na maraming beses nang kinopya gamit ang iba’t ibang pangalan ng tao at lugar.

“Gumawa ng story using my name & my photo… na-meet daw niya ako sa grocery at magpapa-picture daw siya pero dinuro-duro ko daw siya sa mukha at nakita niya na hindi ko binayaran ang 15 Milky Way Choco Bars na kinuha ko… at pinagsisigawan ko daw ang cashier ng grocery. Pinapalabas pa nito na magnanakaw ako,” sabi ng aktor .

Nasaktan ang aktor sa post, nagalit kay Ileiad at kinompronta ang content creator para sa paggawa ng biro sa kanyang gastos.

Sa isang screenshot ng kanilang pag-uusap sa chat , humingi ng paumanhin si Ileiad kay Mon.

Inalis na run ni Ileiad ang kanyang post at naglabas ng kanyang pahayag .

“My deepest and sincerest apologies to critically-acclaimed actor Mon Confiado. As requested, I have taken down the vile and misleading post off the page and I will only be making copypastas about myself from now on,” sabi ni Ileiad.

Hindi naman nakuntento ang aktor sa paghingi ng paumanhin ng content creator kaya dumulog ito sa NBI.

Aniya ang nasabing pagbibiro ay naglalagay sa kanyang trabaho sa panganib, tulad ng mga pelikula, pag-endorso, at brand ambassadorships.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)