Home NATIONWIDE PNP: 20 utas sa karahasang may kinalaman sa Halalan

PNP: 20 utas sa karahasang may kinalaman sa Halalan

201
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na 20 katao ang nasawi sa mga insidenteng may kaugnayan sa katatapos lang na midterm elections.

Karamihan sa mga namatay ay mula sa rehiyon ng Cordillera.

Ayon sa Philippine National Police, kumpirmado na ang 49 election-related incidents kung saan 31 katao ang nasugatan.

Kasalukuyan pa rin nilang inaalam kung konektado rin sa halalan ang 51 iba pang insidenteng naitala noong Mayo 12, araw ng halalan.

Isa sa mga insidenteng ito ay naganap sa Silay City, Negros Occidental, kung saan dalawang tao ang napatay at pito ang nasugatan sa isang pamamaril. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here