Home METRO PNP Chief personal na siniguro seguridad sa Semana Santa

PNP Chief personal na siniguro seguridad sa Semana Santa

133
0

Personal na pinangunahan ni Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang pagpapatibay ng seguridad sa Metro Manila bilang paghahanda sa paggunita ng Semana Santa.

Noong Abril 1, mismong inikot ng PNP Chief ang mga pangunahing terminal, simbahan, at iba pang matataong lugar upang tiyakin ang maayos na implementasyon ng seguridad.

Sa halip na umasa lamang sa mga report, aktwal niyang sinuri ang presensya ng mga pulis, kahandaan ng assistance desks, at alert status ng mga response teams sa inaasahang dagsa ng biyahero at deboto.

Katuwang niya sa inspeksyon sina PMGEN Anthony A. Aberin, PBGEN Rogelio I. Peñones Jr., PBGEN Arnold E. Abad, PBGEN Randy Glenn Silvio, at PBGEN Randulf T. Tuaño na tumulong sa pagsusuri ng deployment at koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Ayon sa PNP, mahalaga ang direktang presensya ng liderato sa operasyon upang masiguro ang maayos, mabilis, at epektibong pagtugon sa anumang insidente.

Sa ilalim ng kampanyang “Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas,” tiniyak ng pamunuan na mararamdaman ng publiko ang serbisyong tapat at maaasahan, lalo na sa mga panahong kritikal tulad ng Semana Santa. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here