Home NATIONWIDE Iba’t ibang ‘Tinapay’ sa Panahon ni Hesus

Iba’t ibang ‘Tinapay’ sa Panahon ni Hesus

180
0

Isa sa mahalagang bahagi ng paggunita ng Huwebes Santo ay ang tinatawag nating ‘Last Supper’ o ang Huling Hapunan ng ating Panginoong Hesus.

Mateo 26:26-30

26 Habang sila’y kumakain, dumampot si Jesus ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay pinaghati-hati niya iyon, ibinigay sa mga alagad at sinabi, “Kunin ninyo ito at kainin. Ito ang aking katawan.”

27 Pagkatapos, dumampot siya ng kopa, nagpasalamat sa Diyos at ibinigay iyon sa kanila. Sinabi niya, “Kayong lahat ay uminom nito 28 sapagkat ito ang aking dugo na katibayan ng tipan[c] ng Diyos. Ito ang aking dugong ibinubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami.

29 Sinasabi ko sa inyo, hindi na ako iinom nitong katas ng ubas hanggang sa araw na inumin kong panibago na kasalo ninyo sa kaharian ng aking Ama.”

30 At pagkaawit ng isang himno, sila’y nagpunta sa Bundok ng mga Olibo.

Mahalaga ang papel ng TINAPAY sa tagpong ito, at ngayong Semana Santa, mahalaga na matuklasan natin, ano-ano nga ba ang uri ng tinapay na karaniwang kinakain ng mga tao sa panahon na NABUBUHAY DITO SA LUPA ang ating Panginoong Hesus?

Ang TINAPAY ay mahalaga at pang-araw-araw na pagkain sa panahon ni Hesus. Ito ay karaniwang manipis at pabilog na niluluto sa mga pugon.

Sa tagpo ng ‘Last Supper’, ang tinapay na tinatawag na ‘MATZAH’ o ‘unleavened bread’ na gawa sa wheat, oats, spelt, barley o rye ang posibleng kinain ng Panginoong Hesus kasama ang Kanyang mga alagad.

Bukod sa MATZAH, alam niyo ba na iba-iba rin ang uri ng tinapay na kinakain ng mga tao depende sa okasyon o sa antas sa lipunan?

Ang BARLEY BREAD ang tinapay na kinakain ng mga ordinaryong Israelita, partikular ang mga mahihirap. Mas mura kasi ito at mas madaling patubuin kahit pa sa mahihirap na kondisyon ng panahon o lupa.

Ang WHEAT BREAD naman ang kinokonsiderang mas nakakaangat kumpara sa Barley Bread na kinakain naman ng mga may-kaya o inihahanda sa mga espesyal na okasyon. Sa Genesis 18:6, ito ang ipinag-utos ni Abraham kay Sarah na ihandang tinapay sa tatlong bisita.

Mayroon ding mga tinapay na inihahandog sa mga ritwal o sa kanilang pagsamba sa Diyos. Kabilang dito ang showbread (לחם הפנים/lechem hapanim), kung saan tuwing araw ng Sabbath ay inilalagay ang 12 sariwang tinapay sa Tabernakulo at sa Templo na nagrerepresenta sa 12 tribo ng Israel. Makalipas ang isang linggo ay aalisin ang mga tinapay na ito at kakainin ng mga pari.

Higit sa lahat, ang TINAPAY ay may mahalaga ring papel sa BIBLIYA dahil ito ang ginamit ng Panginoong Hesus patungkol sa Kanyang sarili kung saan sa Juan 6:25-59 ay sinabi Niya na:

“Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ang tinapay ng buhay. Siya na lumalapit sa akin ay hindi na magugutom kailanman. Siya na sumasampalataya sa akin ay hindi na mauuhaw kailanman.”

Sa ating buhay, bagamat tayo ay kumakain ng tinapay at iba’t ibang uri ng pagkain para tayo ay mabusog sa ating pisikal na katayuan, dapat nating maintindihan na ang ating mga Espiritu ay kailangan ding mabusog at mapatid ang kauhawan. Ang Panginoong Hesus ang malinaw na solusyon sa gutom at uhaw na ito dahil sa oras na MANAMPALATAYA at TANGGAPIN SIYA bilang iyong Diyos at Tagapagligtas ay malalaman mong SIYA na nga ang kulang sa buhay mo na noon ay sinubukan mong hanapin sa iba’t ibang paraan na akala mo ay magpapasaya sa buhay mo. JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here