Home NATIONWIDE Mayamang Tradisyon ng Pagpapapako sa Krus sa Pampanga

Mayamang Tradisyon ng Pagpapapako sa Krus sa Pampanga

234
0

Ngayong Biyernes Santo ay muli na naman nating masasaksihan ang kontrobersyal ngunit matagal nang tradisyon ng pagpapapako sa krus sa barangay San Pedro Cutud, sa Pampanga.

Dito ay may ilang deboto ang kusang-loob na ipinapako sa krus bilang bahagi ng kanilang panata tuwing Mahal na Araw na bahagi ng taunang reenactment ng paghihirap ni Hesukristo, na kilala bilang Via Crucis reenactment.

Sa nasabing ritwal, dumaraan muna sa prusisyon at self-flagellation ang mga penitente bago aktwal na ipako sa krus gamit ang tunay na pako sa kamay at paa.

Ayon sa ilang kalahok, ang kanilang ginagawa ay isang anyo ng pasasalamat at pagsisisi.

Sa kabila nito ng matagal nang tradisyong ito ay muling iginiit ng Simbahang Katolika na hindi nito hinihikayat ang naturang gawain.

Ayon sa simbahan, hindi kinakailangan ang ganitong uri ng matinding penitensiya upang makamit ang kapatawaran ng kasalanan, at mas mahalaga pa rin ang taimtim na panalangin at tunay na pagsisisi.

Para naman sa mga mananampalataya na nakauunawa sa tunay na kahulugan ng kaligtasan o Salvation, ang ginawa ni Hesukristo sa Krus ay SAPAT na at HIGIT pa para sa ikatutubos ng ating mga kasalanan. Ito ay ang pagpapakita ng katagumpayan na si Hesus, ang Diyos na nagkatawang tao ay napagtagumpayan ang kamatayan sa krus nang Siya ay mabuhay muli.

Ang kailangan lamang ay ang manampalataya at tanggapin Siya bilang DIYOS at TAGAPAGLIGTAS, at ang Kanyang kamatayan at paghihirap sa Krus ang kabayaran sa ating mga kasalanan. JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here