Home NATIONWIDE PNP chief sa drug campaign sa ilalim ng Marcos admin: ‘We remain...

PNP chief sa drug campaign sa ilalim ng Marcos admin: ‘We remain dedicated to preserving human life’

MANILA, Philippines- Mahigit P36.5 bilyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam mula nang maupo si Pangulong  Marcos noong Hulyo 2022, sa agresibong anti-illegal drugs campaign na inilarawan ng Philippine National Police (PNP) na tumututok sa preserbasyon ng buhay ng tao.

“Our anti-illegal drugs campaign has made remarkable strides with the value of drugs seized increasing to approximately P36.5 billion between July 1, 2022 to July 31, 2024 to include the P9.68 billion in Alitagtag, Batangas, the largest haul in history and the highest recorded seized,” pahayag ni PNP chief, Gen. Rommel Francisco Marbil sa 123rd Police Service Anniversary sa Camp Crame sa Quezon City nitong Huwebes.

Sinabi ni Marbil na ang kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng adminitrasyong Marcos ay nakatutok din sa pagpapahalaga sa dignidad ng lipunan sa pamamagitan ng paninindigan sa  rule of law, partikular sa aspeto ng karapatang pantao.

Aniya pa, kabilang din sa rehabilitation efforts ang pagbabalik ng dating illegal drug users sa lipunan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang stakeholders at community engagements.

“Our battle against drugs abuse transcends mere law enforcement. It fundamentally aims to uphold the very fabric of our society as we pursue our anti-illegal drug campaign targeting high-value targetsI and identifying drug sources,” wika ni Marbil.

“We remain dedicated to preserving human life. Our efforts ensure the well-being and dignity of every member of the community,” giit pa ng opisyal.

Para kay Marbil, ang bagong pamamaraan ng pagtugon sa ilegal na droga ay epektibo sa pagkuha ng tiwala at kumpiyansa ng mga mamamayan.

“Our communities, our streets, and fear has diminished, and families enjoy their homes without the looming threat of crime. Children play freely with genuine smiles and the improved safety has enhanced the quality of life attracting more  visitors and boosting community well-being,” pahayag ni Marbil. RNT/SA