Home NATIONWIDE PNP nagbabala sa mga pulis, may-ari ng baril sa pagpapaputok nito ngayong...

PNP nagbabala sa mga pulis, may-ari ng baril sa pagpapaputok nito ngayong holiday season

298
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga pulis at gun owners na ipatutupad ang one-strike policy sa indiscriminate firing ngayong holiday season.

Sa pahayag, sinabi ni PNP Acting Chief Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na layon ng polisiya na matigil ang iresponsableng paggamit ng baril at maiwasan ang mga injury at pagkamatay dahil dito tuwing Pasko at Bagong Taon.

“Ang baril ay hindi laruan at lalong hindi simbolo ng kawalan ng disiplina… Sa panahon ng selebrasyon, mas mahalaga ang kaligtasan ng bawat isa. I-celebrate natin ang Pasko at Bagong Taon nang ligtas, tahimik, at walang napapahamak,” ani Nartatez.

Sa ilalim ng one-strike policy, mahaharap sa agarang aksyon ang sinumang masasangkot sa indiscriminate firing nang walang babala at second chance.

Ani Nartatez, ang tauhan ng PNP na mapatutunayang sangkot dito ay mahaharap sa kasong administratibo at kriminal.

“Administrative sanctions may include dismissal from the service, forfeiture of benefits, and perpetual disqualification from public office, while criminal cases may be filed under the Revised Penal Code and other applicable laws, depending on the outcome of the investigation,” anang PNP.

Nagpaalala rin si Nartatez sa mga commander na responsibilidad ng mga ito na panatilihin ang disiplina sa kanilang mga hanay at binalaan na mapapanagot ang mga unit leader kung may mga tauhang masasangkot sa pagpapaputok ng baril.

Inatasan niya ang lahat ng police unit na agad sibakin sa pwesto at ilagay sa preventive suspension ang sinumang tauhan ng PNP na madadawit sa indiscriminate firing habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

Hinimok ng PNP ang publiko na isumbong ang mga insidente ng indiscriminate firing sa pulisya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here