Home HOME BANNER STORY PNP nagbabala sa online vacation scams sa paparating na summer

PNP nagbabala sa online vacation scams sa paparating na summer

162
0

MANILA, Philippines – Nagbabala ang Philippine National Police sa publiko laban sa mga pekeng vacation at accommodation offers online habang nagsisimula nang magplano ang mga Pilipino para sa kanilang summer trips.

Ayon sa PNP Anti-Cybercrime Group, dumarami ang ganitong scams tuwing papalapit ang Holy Week. Noong unang dalawang buwan ng taon, nakatanggap sila ng 29 reklamo tungkol sa pekeng staycation o resort offers.

Payo ng PNP sa publiko na maging maingat sa offers na “too good to be true” o mas mura kaysa sa karaniwan; siguraduhing rehistrado at lehitimo ang resort; huwag agad magbayad bago mapatunayan ang booking; i-verify ang mga larawan gamit ang online search para makita kung kinuha lamang sa ibang website; at itago ang lahat ng ebidensya kung mabiktima, gaya ng screenshots, resibo, account ng scammer, at link sa pekeng post.

Ang mga hakbang na ito ay makakatulong para hindi maloko at mawala ang ipon ng mga biyahero. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here