Home HOME BANNER STORY PNP, nagbabala vs deepfake, maling AI content

PNP, nagbabala vs deepfake, maling AI content

158
0
via Philippine National Police FB Page

MANILA, Philippines – Nagpaalala si Gen. Jose Melencio C. Nartatez, Jr., hepe ng Philippine National Police (PNP), sa mga pulis na mag-ingat sa paggamit ng artificial intelligence (AI) at nagbabala sa publiko laban sa paggawa ng pekeng video na maaaring makasira sa imahe ng PNP.

Ito ay matapos kumalat ang isang viral video na nagpapakita ng mga pulis na umano’y nagpapakita ng maling pag-uugali sa isang fast-food restaurant, na kalaunan ay natuklasang AI-generated ng PNP Anti-Cybercrime Group.

“These deepfakes are designed to look and sound like us to manipulate public opinion. We won’t allow technology to be used as a tool to mock the uniform or deceive the people,” ayon kay Nartatez.

Nilinaw niya na hindi ganap na ipinagbabawal ang AI sa mga opisyal, ngunit mahigpit ang regulasyon dito.

Aniya, pinapayagan ang paggawa ng vlogs lamang kung may kaugnayan sa opisyal na aktibidad ng pulisya. Tanging mga pulis na naka-assign sa Police Community Relations (PCR) units at may pahintulot mula sa Directorate for Police Community Relations (DPCR) ang maaaring gumamit ng uniporme, kagamitan, at pasilidad sa content creation.

Ang iba pang opisyal ay maaaring gumawa ng content sa labas ng oras ng trabaho ngunit bawal ang uniporme, kagamitan, o opisina.

Ipinagbabawal din ang livestreaming o vlogging ng opisyal na aktibidad, police camps, at opisina para sa seguridad.

Ayon kay Nartatez, patuloy ang PNP-ACG sa pagbabantay online at pagtanggal ng maling video upang mapanatili ang tiwala ng publiko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here