Home TOP STORIES Israel, Iran patuloy na nagpapalitan ng pag-atake

Israel, Iran patuloy na nagpapalitan ng pag-atake

179
0

JERUSALEM, Israel – Pinaigting ng Israel ang operasyon ng militar, pinahintulutan silang targetin ang sinumang mataas na opisyal ng Iran kung may intelligence at operational opportunity, nang hindi na kailangan ng dagdag na pahintulot mula sa politika.

“No one in Iran has immunity and everyone is in the crosshairs,” babala ni Israeli Defence Minister Israel Katz.

Sa Tehran, libu-libo ang lumabas sa kalye para sa libing nina Larijani at iba pang napatay na opisyal.

Humirit ang mga eulogist: “Martyrs are leading the way, they’ve become more alive, burning with love.”

Bilang ganti, naglunsad ng missile attack ang Iran sa Israel, na pumatay ng dalawang tao malapit sa Tel Aviv.

Tinamaan din ng Iran ang U.S. bases sa Bahrain, Iraq, Jordan, Kuwait, Saudi Arabia, at UAE.

Ayon kay Mojtaba Khamenei, bagong supreme leader ng Iran, “those responsible for Larijani’s death would pay for his blood.”

Sa Riyadh, narinig ang malalakas na putok at naglabas ng alerto ang mga telepono ng residente ukol sa banta sa himpapawid; sinabing tinugunan ng Saudi air defenses ang ballistic threat.

Sa Beirut, binagsak ng Israel ang isang gusali na sinasabing gamit ng Hezbollah.

Sa Israel, tatlong tao—isang 44-taong-gulang at dalawang bata—ang naospital sa Petah Tikva dahil sa missile attack ng Iran.

Ayon sa HRANA, mahigit 3,000 tao sa Iran ang nasawi mula nang magsimula ang mga U.S.-Israeli attacks noong Pebrero 28. Sa Lebanon, 900 nasawi at 800,000 napilitang lumikas. May mga namatay din sa Iraq at Gulf states, habang 14 ang nasawi sa Israel. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here