MARAHIL, upang ipakita ang kanyang “tikas” bilang NCRPO director, nakipagsabwatan, ehek, ‘nag-join forces,’ ang NCRPO ni PMGen. Sidney Hernia at ang PNP Cybercrime Group sa pag-raid sa sikat na Century Tower sa Maynila nitong Oktubre 29 matapos pagbintangan na isa itong ‘illegal POGO hub.’
Dahil “binulag” kahit ang midya, “patok” ang PR ni Hernia at ACG!
Kahit si Chief PNP Rommel Marbil “humirit” din! Sa ulat ng PDI, “nagpramis” si Marbil na “ubusin”lahat ng ‘illegal POGOs’ ngayong taon, naks!
Sabagay nga, kailangan ni Chief PNP ng “pambawi” sa batikos dahil sa buhol-buhol niyang paliwanag kung bakit marami pa ring adik sa shabu?
Ayon sa ilang miron, hindi naman (daw) talaga ‘illegal POGO’ ang hanap ng grupo ni Hernia? Baka mga ‘safety vaults,’ hehehe. Remember the 2023 PNP Pasay POGO raid, hane?
Gusto rin bang ipakita ng PNP na kaya nilang gawin– at higitan pa– ang ‘accomplishments’ ng PAOCC ni Usec. Gilbert Cruz?
Eh, “bomalabs,” mga kabayan. Lahat ng aksyon ng PAOCC, ‘without malice or hidden agenda.’ Lahat ay pagsunod sa ‘order’ ni PBBM at ES Lucas Bersamin na buwagin lahat ng mga OCGs, kasama na ang POGO. Sa PNP, ano talaga ang motibo?
‘Happy’ siyempre ang management ng Century Towers dahil ‘vindicated’ sila sa maruming bintang ng mga pulis.
Depensa rin nitong Martes ni PNP Spox PBGen. Jean Fajardo,”hindi” sila ang ‘source’ sa bansag na ‘Queen of all POGOs’ ang Century Tower. Eh, di…wow!
Hindi pa tapos ang isyu dahil gustong malaman ni SOJ Boying ‘Bossman’ Remulla at SILG Jonvic Remulla, ang buong “kwento,” inakupo!
Abangan!