Home HOME BANNER STORY PNP nakapagtala ng higit 18K kaso ng karahasan sa mga bata noong...

PNP nakapagtala ng higit 18K kaso ng karahasan sa mga bata noong 2023

204
0

MANILA, Philippines- Naiulat ang kabuuang 18,756 kaso ng karahasan laban sa mga bata noong 2023, ayon sa Philippine National Police nitong Biyernes.

Sinabi ni Police Major Meriel Editha Reyes, assistant chief ng PNP Anti-Violence Against Women and Children Division and Children Protection Center, na karamihan sa mga kaso ay child abuse sa 7,933 reported incidents; sinundan ng rape sa 7,262 kaso; at acts of lasciviousness sa 2,049.

Bagama’t mas mababa ang bilang na ito kumpara sa 19,101 insidenteng naiulat noong 2022 at 19,656 noong 2021, sinabi ng opisyal na hindi sila natutuwa sa nakalap nilang datos.

“Hindi kami natutuwa na ganito kataas ang datos na nage-generate namin. Sana for 2024 ay bumaba ang cases dahil marami ang effort ng bawat ahensiya upang mawakasan ang karahasan sa mga bata,” pahayag ni Reyes sa isang press conference para sa 32nd National Children’s Month.

Inihayag niyang nagtatag sila ng women and children’s protection desk sa bawat police station at nagsasagawa ng awareness program sa mga paaralan, unibersidad, at opisina upang ipagbigay-alam sa publiko ang tungkol sa karahasan laban sa mga bata at hikayatin silang isumbong ang mga ganitong uri ng insidente sa mga awtoridad.

“Malaking porsyento ang nagtuloy. Walang ibang dapat na usapin pa pagdating sa violence against children,” wika ni Reyes.

Sa press conference, inulit ng Council for the Welfare of Children ang panawagan nitong wakasan ang karahasan laban sa mga bata.

“Child protection starts at home. Parents, grandparents, and relatives are at the forefront of the government’s fight against violence against children,” pahayag ni CWC Executive Director V Undersecretary Angelo Tapales. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here