Home HOME BANNER STORY PNP nakipag-ugnayan sa LGUs, NGOs sa pagpapalakas ng suporta sa mga biktima...

PNP nakipag-ugnayan sa LGUs, NGOs sa pagpapalakas ng suporta sa mga biktima ng VAW

303
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na tina-tap nito ang mga local government units (LGUs) at non-government organizations (NGOs) para palakasin ang suporta sa mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan (VAW).

Sa isang pahayag na binanggit ang datos mula sa Philippine Commission on Women (PCW), sinabi ng PNP na 11,636 na kaso ng VAW ang naitala noong 2024.

“The PNP is intensifying coordination with local government units, barangays, and NGOs to ensure survivors receive timely assistance and support,” ayon kay acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.

“Key measures include the deployment of additional women and children protection units in high-incidence areas, expansion of mobile reporting teams, and upgrading online platforms and hotline services for easier access,” dagdag niya.

Nitong Lunes, nilagdaan ni Nartatez at iba pang opisyal ng PNP ang pledge of commitment bilang bahagi ng pagtalima ng ahensya sa 18 araw na kampanya ng PCW para wakasan ang VAW.

Ang 18-araw na kampanya ay tumatakbo mula Nob. 25 hanggang Disyembre 12 taun-taon, ayon sa ipinag-uutos ng Proclamation No. 1172, serye ng 2006. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here