Home NATIONWIDE Rep. Barzaga papatawan ng mas mabigat na parusa kung ‘di susunod sa...

Rep. Barzaga papatawan ng mas mabigat na parusa kung ‘di susunod sa kautusan ng Kamara – Rep. Abalos

289
0

MANILA, Philippines – Binalaan ni House Committee on Ethics and Privileges Chairman at 4Ps Partylist Rep. JC Abalos si suspended Cavite Rep. Franscisco “Kiko” Barzaga  na mapapatawan ito ng mas mabigat na parusa kung hindi  susunod sa utos na burahin ang mga kontrobersiyal na social media posts na naging basehan ng ng kanyang ethics complaint.

Sa pulong balitaan sa Kamara sinabi ni Abalos na batay sa rekumendasyon ng komite ay 24 social media posts ang dapat na alisin ni Barzaga sa loob ng 24 oras.

Ayon kay Abalos, hindi pa naman natatapos ang 24-oras na deadline na nagsimula alas 6:00 ng gabi ng Disyembre 1 ngunit sa oras na mabigo si Barzaga na alisin ang nasabing mga social media posts ay mag-uusap ang Ethics Committee at pagpapasayahan ang posibleng parusa pa na maaaring ipataw.

Ani Abalos, ang pinakamataas na parusa ay expulsion.

Ilan sa kontrobersiyal na posts na ipinatatanggal ay mga patungkol sa mga mga opisyal at institusyon ng gobyerno, ang pagsunog sa Kamara at ang ilang malaswang litrato. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here