Home NATIONWIDE PNP recruitment hihigpitan vs espiya

PNP recruitment hihigpitan vs espiya

159
0

MANILA, Philippines – Hihigpitan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang recruitment at vetting process dahil sa mga pangamba sa espionage at posibleng pagtatangkang makahalo ng mga banyagang aktor sa institusyon ng seguridad.

Ani PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. nitong Huwebes, dumadaan ang mga aplikante sa mas malalim na background checks at mas pinalawak na screening upang matiyak na mga mapagkakatiwalaang kandidato lamang ang matatanggap.

Paiigtingin din ng pulisya ang counter-intelligence efforts, kabilang ang confidential reporting mechanism para sa mga personnel na mag-ulat ng anumang kahina-hinalang recruitment activity.

Sa 2026, may 6,178 na bakanteng posisyon ang PNP sa ilalim ng regular at attrition quotas. Nangunguna ang National Capital Region Police Office na may 783 slots, sinundan ng CALABARZON (609), Central Luzon (575), Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (367), at Bicol Region (359). May 946 vacancies ang National Support Units, kabilang ang Aviation Security Group, PNP Maritime Group, Special Action Force, at Criminal Investigation and Detection Group.

Layunin ng mga hakbang na ito na ipakita sa publiko na nananatiling alerto ang PNP laban sa mga banta sa pambansang seguridad. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here