Home NATIONWIDE PNP rerepasuhin firearms rules kasunod ng Tacloban school shooting

PNP rerepasuhin firearms rules kasunod ng Tacloban school shooting

3
0

MANILA, Philippines – Magsasagawa ng komprehensibong pagsusuri ang Philippine National Police (PNP) sa umiiral na firearms regulations matapos matuklasan ang posibleng serial number duplication sa isa sa mga baril na ginamit sa pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo 22.

Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., layunin ng hakbang na matukoy ang mga butas sa sistema ng firearm registration at permitting na maaaring sinasamantala ng mga kriminal.

“The instruction is to look deeper into this and find out other possible loopholes of the existing firearms regulations that are possibly being taken advantage of by erring groups and individuals,” ani Nartatez.

Natuklasan ng mga imbestigador na ang .38-caliber revolver na ginamit sa insidente, na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng ilan pa, ay may kaparehong serial number ng isang baril na nakarehistro sa Bohol.

Sinusuri na ng PNP ang posibleng pananagutan ng isang security agency at iba pang indibidwal na nakalista sa firearm records, kabilang ang posibleng iregularidad sa registration, manufacturing, documentation at record-keeping.

“We will look into the totality of this to come up with the best measures in the interest of responsible gun ownership and safety of the public,” dagdag ni Nartatez.

Samantala, nanawagan si Interior Secretary Jonvic Remulla na amyendahan ang batas upang managot din sa kasong kriminal ang mga lisensiyadong gun owner kapag nagamit ng ibang tao ang kanilang mga rehistradong baril sa paggawa ng krimen.

“There is an infirmity in the law. Walang concomitant responsibility ang gun owner kung gagamitin ng iba ang baril nila para pumatay ng tao, where, I believe, ikaw ang sole responsible person basta nakalisensya sa’yo yung baril,” ani Remulla.

Hinimok din niya ang Kongreso na palakasin ang Republic Act 10591 upang higit na mapanagot ang mga may-ari ng baril at maiwasan ang kahalintulad na mga insidente. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here