Home NATIONWIDE PNP suporta sa national anti-money laundering strategy ni PBBM

PNP suporta sa national anti-money laundering strategy ni PBBM

188
0

MANILA, Philippines – Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) ang buong suporta sa direktiba ni President Ferdinand Marcos Jr. para gumawa ng pambansang plano laban sa money laundering at financing ng terorismo.

Ani PNP Chief Police Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., handa ang kapulisan na i-integrate ang kanilang investigative powers sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para tiyakin na “walang matatakbuhan ang dirty money.”

Ang utos ni Marcos, sa ilalim ng Memorandum Circular 113, ay nagtatakda sa AMLC na magbigay ng teknikal at administratibong suporta, magbigay ng timeline, at bantayan ang compliance ng mga ahensya sa pagbuo ng National Anti-Money Laundering and Counter-Terrorism/Proliferation Financing Strategy (NACS) para sa 2026–2030.

Ani Nartatez, palalakasin ng PNP ang inter-agency cooperation, data sharing, at joint operations, gayundin ang digital infrastructure at tools para mas madaling matukoy ang kahina-hinalang financial transactions, kasama ang cross-border alerts.

Kasabay nito, sumasailalim sa espesyal na pagsasanay ang mga opisyal ng Anti-Cybercrime Group, Criminal Investigation and Detection Group, at iba pang unit sa financial forensics, money laundering trends, at emerging financial crimes.

Babantayan din ng PNP ang high-risk sectors gaya ng real estate, casinos, at import/export businesses, at palalakasin ang international cooperation para masubaybayan ang iligal na pondo papasok o palabas ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here