Home NATIONWIDE PNP: Ulat ng destab plot vs PBBM paulit-ulit na

PNP: Ulat ng destab plot vs PBBM paulit-ulit na

MANILA, Philippines- Walang seryosong banta sa seguridad ng bansa sa kasalukuyan, at kahit ang ulat ng destabilization plots laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay itinuturing na “tsismis” lamang, ayon sa Philippine National Police (PNP).

“[P]aulit-ulit ito. Alam natin kahit sinong presidente ay mayroon tayong palaging pumuputok na destabilization plot as early as last year. Even a few years ago ay mayroon tayong naririnig,” pahayag ni Police Colonel Jean Fajardo, PNP spokesperson.

Batay sa kumakalat na ulat online, nagsasabwatan umano ang mga taga-suporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at mga rebelde upang patalsikin si Marcos mula sa Malacanang at palitan ng anak ng dating Pangulo na si Vice President Sara Duterte.

Pinaplano umano ang destabilization plot bago ang pagdating sa bansa ng mga imbestigador mula sa International Criminal Court (ICC) na nag-iimbestiga sa umano’y pang-aauso sa tinatawag na  drug war ni Duterte, kung saan libo-libong drug suspects ang napatay.

Ipinag-utos naman ng PNP chief na si Police General Rommel Marbil na beripikahin ang mga ulat.

“As of now, no less than our Chief PNP told us during our D-Staff Conference that we have not monitored any serious threat to the security of our country, even those destabilization plots are just rumors,” ayon kay Fajardo.

“We have to remind again everyone not to believe everything they see and read on social media. But just the same, if these things involve security, whether external or internal, the PNP does not dismiss them right away,” paalala ng opisyal.

“Our coordination with our counterparts is continuous to validate and confirm these information. It’s just that as of now, there are no monitored threats, no mobilization and instigation whatsoever,” dagdag niya. RNT/SA